CEBU CITY – Mas lumaki umano ang tsansang muling mananalo si US President Donald Trump sa nalalapit na US elections.

-- Advertisement --

Ito ang ulat ni Bombo US Correspondent Rufino “Pinoy” Gonzales sa Bombo Radyo Cebu.

Ayon kay Gonzales, imbes na bumaba ang rating ni Trump dahil sa impeachment case na kinakaharap nito, mas dumami pa umano ang supporters nito dahil bumaliktad na ang maraming Democrats.

Giit ni Gonzales na marami rin umanong mga American citizens ang galit dahil hindi nabigyan ng due process si Trump sa
impeachment case nito kaya hindi posible na maaring gawin din ito sa mga ordinaryong US citizens.

Maalalang hindi nagtagumpay ang Democrats na magpatawag ng karagdagang witness at dokumento para sa impeachment trial ni Trump kung saan nakakuha ito ng 51 majority votes laban sa 49 votes.