Kumpiyansa si dating US President Donald Trump na magpapatuloy ang kaniyang pamamamayagpag sa tinaguriang “Super Tuesday” sa America o ang tinaguriang pinakamalaking araw ng presidential primaries ng 2024 election.
Kinakailangan ni Trump ng 1,215 delegates para manalo sa Republican nominations laban sa katunggali nitong kapwa Republicans na si dating South Carolina Governor Nikki Haley.
Sa panig naman ng Democratic side ay hindi nahaharap sa matinding kumpetisyon si US President Joe Biden kung saan handa ito sa rematch kay Trump sa November election.
Kailangan lamang ng 1,968 delegates para manalo sa Democratic nomination.
Ilan sa mga malalaking sinusubayayan na pangunahing primaries sa Senate at House races sa ilang estado kabilang ang California at Texas.
Kabilang na ang member laban sa member congressional primary sa Alabama at primaries para sa governor sa North Carolina.