-- Advertisements --

Inihayag ng kampo ng nagbtitw na si dating Ako Bicol Party List Representative Zaldy Co na gagawa ito ng legal remedy sa tamang panahon laban sa arrest warrant sa kaniya at posibleng panibagong isampang kaso ng graft at plunder kaugnay sa pagkakadawit niya sa umano’y korapsiyon sa flood control projects.

Paliwanag ng kaniyang abogado na si Atty. Ruy Rondain na sa ngayon, naniniwala silang susundin ang regular procedures sa pagsisilbi ng arrest warrant kayat gagawa sila ng legal na remedyo sa tamang panahon.

Bumwelo din sa pagsagot ang abogado sa rekomendasyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na maghain ng mga kasong plunder at graft laban kina Co at dating House Speaker Martin Romualdez hangga’t maberipika nila ang katotohanan.

Matatandaan, nitong Biyernes, inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na inirekomenda ng DPWH at Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang pagusig kina Co at Romualdez para sa posibleng kaugnayan nila sa maanomaliyang flood control projects.

Nauna ng nakaladkad ang pangalan nina Co at Romualdez sa kontrobersiya matapos silang pangalanan ng iniharap na testigo ni Senator Rodante Marcoleta sa pagdinig noon ng Senate Blue Ribbon Committee na si Orly Guteza, na nakatanggap umano sila ng male-maletang naglalaman ng cash bilang kickbacks mula sa naturang mga proyekto,