-- Advertisements --

Inanunsiyo ni US President Donald Trump na pumayag na ang Sudan na makipag-ayos sa Israel.

Kasabay din nito ay tinanggal na rin ng US President ang Sudan mula sa listahan ng mga bansang sumusuporta sa terorista, pagbubukas ng ekonomiya at investment.

Dagdag pa ni Trump na nasa limang mga Arab states pa ang nais na magkaroon ng peace deal sa Israel.

Ang hakban ay kasunod ng ginawang pag-uusap ng mga bansang United Arab Emirates at Bahrain.

Magugunitang pumirma ng peace deal sa Israel ang Jordan noong 1994 at Egypt noong 1979.

Ang pagdami ng mga Arab countries na nagpo-formalized ng kanilang relasyon sa Israel ay kinokondina ng Palestinian dahil isa raw itong uri ng pagtataksil.