-- Advertisements --

Isang kasinungalingan at walang basehan ang umano’y alegasyon na may P1-billion suhol na inialok kay dating Manila Economic and Cultural Office (MECO) Chairman at dating Labor Secretary Silvestre “Bebot” Bello III.

Ito ang tugon ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro, matapos lumutang ang impormasyon na sinasabing tinangka umanong impluwensiyahan si Bello upang tumakbo bilang kongresista sa Davao City at maging katunggali ni Representative Isidro Ungab.

Ayon kay Castro, personal niyang nakausap si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. hinggil sa umuugong na isyu, at tiniyak umano ng Pangulo na walang katotohanan at hindi kailanman nangyari ang naturang suhulan. 

Patuloy namang nananawagan ang Malacañang sa publiko na maging mapanuri at iwasang magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon, lalo na kung ito’y maaaring magdulot ng pagkalito o maling persepsyon sa publiko.