Ipinagmalaki ni US President Donald Trump ang mabilisang coronavirus test sa kanilang bansa.
Nasa mahigit 1 million na katao na ang nasuri ng rapid test kit na makukuha ang resulta sa loob lamang ng limang minuto.
Sa kaniyang talumpati sa White House na tanging ang US lamang ang nakapagsuri ng 1-milyon katao mula ng kumalat ang virus.
Ang nasabing anunsiyo ay isinagawa isang araw matapos na ang isang Laboratories ay payagan ng US Food and Drug Administration ng emergency clearance na gumawa ng cartridge-based test na kayang maglabas ng resulta sa loob ng 13 minuto kapag walang nakitang virus.
Target naman ng US Health experts ang 100,000 hanggang 150,000 na katao na kanilang isasailalim sa pagsusuri kada araw para tuluyang mapigil ang pagkalat ng virus.
Nangunguna kasi ang US sa may pinakamaraming nadapuan ng virus