-- Advertisements --

Sinalubong ng kilos protesta ang ginawang pagbisita ni US President Donald Trump sa United Kingdom.

Magkakahiwalay na protesta ang naganap sa London at malapit sa Windsor palace ang isinagawa.

Ilan sa mga protesters ang nagsabing maaring tanggapin pa ang mga immigrants at hindi si Trump habang ang iba ay tinawag na racists ang US President.

Ayon naman sa mga Metropolitan Police sa London na karamihan sa mga protesters ay nakauwi na.

Sa pagdating ni Trump kasama ang asawang si Melania ay sinalubong siya personal ni King Charles at Queen Camila kung saan nagkaroon ng military parade sa Windsor Castle kasama na ang Red Arrows flypast na makikita ang mga eroplano na bumubuga ng usok na kulay pula, puti at asul.

Nagsagawa rin ng private meeting si Trump kasama sina Prince William at asawang Princess of Wales Catherine.

Sa araw naman ng Biyernes ay makakapulong ni Trump si British Prime Minister Keir Starmer.