-- Advertisements --

Napatunayang nagkasala si Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga dahil sa disorderly behavior ng House Ethics Committee dahil sa umano’y hindi angkop na asal sa ilang social media posts niya.

Inirekomenda ng komite na suspindihin si Barzaga sa loob ng 60 araw nang walang matatanggap na sahod o benepisyo, kalakip ang isang mahigpit na babala.

Matapos ilabas ang rekomendasyon, humarap si Barzaga sa plenaryo at sinabi niyang buong puso niyang tinatanggap ang desisyon ng komite. Dagdag pa niya, “dapat managot si President Marcos sa kanyang mga krimen.”

Nasa 29 na mga kongresista mula sa National Unity Party ang nag reklamo laban kay Barzaga.

Ngayong hapon tinalakay sa plenaryo ang ethics complaint laban kay Barzaga.