-- Advertisements --
Nanawagan si US President Donald Trump na ipagpaliban na muna ang presidential election sa buwan ng Nobyembre.
Sinabi nito na ang pinaplanong postal voting ay magdudulot ng malawakang pandaraya at hindi tamang resulta.
Dagdag pa nito, dapat ipagpaliban ito hanggang ang mga tao ay “properly, securely and safely” vote.
Magugunitang nais kasi ng maraming estado sa US na isagawa ang postal voting dahil sa pangamba sa kaligtasan ng publiko dulot ng coronavirus pandemic.