Galit na nagbanta si President Donald Trump laban sa mga Democrats na gumagawa umano ng paraan upang sirain ang kaniyang administrasyon sa pamamagitan ng isang impeachment trial.

Tumestigo si Bill Taylor laban kay Trump kung saan isiniwalat nito na tinakot umano ng mga opisyal ng pangulo na hindi ibibigay ng administrasyon ang military aid ng US para sa Ukraine kung hindi nito iimbestigahan si Democrat Presidential hopeful Joe Biden.

Tahasan namang tinaliwas ni Trump ang mga alegasyon na ito.

Habang nagsasalita sa kalagitnaan ng isang rally sa Monroe, Louisiana ay hindi na nito naiwasan pa na magpasaring sa kaniyang mga katunggali.

Inakusahan ni Trump ang mga ito na sinusubukan nila na unti-unting sirain ang Amerika sa pamamagitan ng kanilang mga iligal na aktibidad na tinawag nitong isang “deranged, delusional. destructive and hyper-partisan” process.

Hindi rin niya pinalampas na patutsadahan ang whistle blower na tumestigo hinggil sa pakikipag-ugnayan nito sa Ukraine upang imbestigahan si Joe Biden.

Boses ni US President Donald Trump.