Ipinahayag ni U.S. President Donald Trump ang kanyang pagkadismaya sa pag-atakeng ginawa ng Russia sa Ukraine nitong nakaraang araw.
Sinabi niya na hindi siya masaya kay Russian President Vladimir Putin at tinanong pa ito kung ano ang nangyayari kay Putin.
‘I don’t know what’s wrong with him. What the hell happened to him? Right? He’s killing a lot of people. I’m not happy about that,’ ani Trump sa isang interview sa airport ng Morristown, New Jersey.
Ang naturang pahayag ni Trump ay kasunod ng malawakang pag-atake ng Russia gamit ang 367 drones at missile sa mga lungsod ng Ukraine, kabilang ang Kyiv, na ikinamatay ng hindi bababa sa 12 katao at pagkasugat ng iba pang residente.
Sinabi rin ni Trump na patuloy siyang nakikipag-usap kay Putin para makamit ang tigil-putukan sa tatlong taong digmaan at tinukoy ang posibilidad ng karagdagang parusa na itatakda sa Russia dahil sa mga ginagawang pag-atake.
‘Always gotten along with him, but he’s sending rockets into cities and killing people, and I don’t like it at all,’ dagdag ni Trump.