cardona rizal map

Siyam ang patay habang mahigit 10 ang sugatan sa nangyaring karambola ng tatlong mga sasakyan sa Brgy. Looc sa Cardona, Rizal.

Iniulat ni Capt. Juner Mojares, ang chief of police ng bayan ng Cardona, nangyari ang insidente dakong alas-6:00 ng umaga kanina.

Ayon kay Mojares, nangyari umano ang aksidente sa kurbadang bahagi o palusong na daanan kung saan nawalan ng preno ang isang truck na nagmula sa lugar ng Binangonan.

Sumalpok umano ito sa jeepney, habang may isa pang truck ang nalaglag mula sa malalim na bahagi.

Kabilang sa nasawi ay ang driver ng truck na nahulog sa bangin, ang pahinante ng jeep at driver at nadamay ang ilang mga bystander na ang iba ay nagjo-jogging at papasok sa trabaho.

Sa ngayon inaalam pa ng PNP Cardona ang mga pangalan ng mga namatay.

CARDONA RIZAL TRUCK

Habang ang mga sugatan na nasa 15 katao kung saan 10 ang nagtamo ng malubha ay isinugod sa mga ospital.

Sinasabing swerte namang hindi nadaganan ng nahulog na truck ang ilang kabahayan malapit sa pinangyarihan ng insidente.