Reading Time: 1 minute

DAGUPAN CITY – Dead on arrival sa pagamutan ang isang truck helper matapos mabangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang SUV sa bayan ng Bayambang, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Freddie Salvador, 25, residente ng Brgy Nancayasan sa siyudad ng Urdaneta.

Ayon sa imbestigasyon, tinatahak ng biktima ang kahabaan ng national highway habang kasabay din naman nito sa naturang daan ang isang SUV na minamaneho naman ng isang Jeffrey Subang, 31, na mula naman sa bayan ng Malasiqui.

Patungo umano sa south direction ang motorsiklo kung saan sakay ang biktima at nasa south bound lane naman ang SUV ng bigla na lamang umano itong kumaliwa para dumiretso sa Malasiqui-San Carlos National Road.

Kaya naman ito ang maging dahilan upang bumangga ang motorsiko sa kaliwang bahagi ng SUV.

Nagtamo ng serious head injury ang biktima.

Nabatid na hindi ito nakasuot ng helmet ng maganap ang insidente.

Sinubukan pa itong isugod sa pagamutan ngunit agad ding idineklarang DOA ng kanyang attending physician.

Samantala, ang driver naman ng SUV ay dinala sa himpilan ng kapulisan para sa karagdagang imbestigasyon.