Reading Time: 1 minute
Typhoon Liwayway
Typhoon Liwayway/ DOST FB image

Isa ng ganap na bagyo ang severe tropical storm Liwayway.

Ayon sa PAGASA, nakita ang sentro ng bagyo sa 265 kilometers east-northeast ng Basco, Batanes.

May lakas ito ng hangin ng hanggang 120 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 150 kph.

Nananatili pa ring nasa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) no. 1 ang Batanes.
Bumagal ito ang paggalaw nito na nasa 10 kph.

Inaasahan na tuluyan ng makakalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Huwebes ng umaga o gabi.