-- Advertisements --

Nagdulot ng mga pagbaha at malalakas na alon ang Tropical Depression Wilma sa ilang bahagi ng Eastern Samar nitong Biyernes, Disyembre 5. kung saan lumubog sa baha ang ilang barangay sa Quinapondan, kabilang ang Bgy. 7 Tinago, na apektado ang mga bahay, at kalsada.

Malalakas na alon naman ang naranasan sa baybayin ng Arteche. Itinali narin ng mga mangingisda ang kanilang mga bangka, habang ang Quinapondan at Arteche Municipal Disaster Risk Reduction and Management Offices (MDRRMO) ay patuloy na minomonitor ang sitwasyon.

Samantala naka-blue alert na ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa Cebu at hinikayat ang mga residente nito na ihanda na ang kanilang go-bags, iwasan ang hindi kinakailangang paglalakbay, at i-report ang anumang emergency.

Sa ngayon, nararanasan ng Cebu ang malakas na hangin at pabagu-bagong ulan dala ng Tropical Depression Wilma, na maaaring tumama o dumaan malapit sa Eastern Visayas ngayong araw ng Biyernes.