-- Advertisements --

Nag-landfall na ang Tropical depression Ofel kaninang alas-2:30 ng madaling araw sa bahagi ng Can-avid sa Eastern Samar.

Ayon sa Pagasa, ang naturang bagyo ay magdadala ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Bicol Region, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, southern Quezon, Marinduque at Romblon.

Mahina naman hanggang sa katamtamang pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Mindoro Provinces at nalalabing bahagi ng Visayas at CALABARZON.

Ang sentro ng bagyo ay namataan sa layong 30 km East Northeast ng Borongan City, Eastern Samar.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph malapit sa gitna at pagbugsong 55 kph.

Kumikilos ito northwest sa bilis na 10 kph.

Samantala nakataas naman ang tropical cyclone warning signal number 1 sa southern portion ng Quezon (San Francisco, San Andres, San Narciso, Mulanay, Catanauan, Buenavista, Guinayangan, Tagkawayan, Calauag, Quezon, Alabat, Perez, Atimonan, Unisan, Padre Burgos, Agdangan, Plaridel, Gumaca, Lopez, General Luna, Macalelon, Pitogo), Marinduque, Romblon, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, and Masbate (including Ticao and Burias Islands) Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran at northern portion ng Leyte (Tabango, Leyte, San Isidro, Calubian, Capoocan, Carigara, Jaro, Pastrana, Dagami, Tabontabon, Tanauan, Palo, Santa Fe, Alangalang, Tacloban City, Babatngon, San Miguel, Barugo, Tunga)