-- Advertisements --
Nanawagan si Ukrainian President Volodymyr Zelensky ng mabigat na international sanctions labans a Russia.
Ito ay kasunod na ginawang airstrike ng Russia sa Kyiv na ikinasawi ng 31 katao.
Sinabi ni Zelensky na kabilang sa mga nasawi ang limang bata na ang pinakabata ay edad dalawa.
Giit ng Ukrainian President na may malaking tulong para mabawasan ang lakas ng Russia sa matinding sanctions na ipapataw.
Magugunitang aabot sa 300 drones at walong cruise missiles ang pinakawalan ng Russia na tumama sa ilang gusali at kabahayan sa Kyiv.
Dahil sa pangyayari ay nagpatupad ang Ukraine ng ilang araw na pagluluksa.