-- Advertisements --
Tumulak kaninang madaling araw mula sa National Headquarters ang ikalawang Humanitarian Caravan ng Philippine Red Cross patungong Bulacan upang tugunan ang epekto ng matinding pagbaha.
Binubuo ito ng 24 personnel na may dalang specialized assets gaya ng amphibian vehicle, Humvee, 6×6 truck, at tatlong bangka.
Kasama rin sa deployment ang water tanker at relief truck na may essential medicines, jerry cans, at relief goods para sa mga evacuees.
Ayon kay Chairman Richard “Dick” Gordon, ang caravan ay hindi lamang nagdadala ng tulong, kundi ng pag-asa at malasakit.
Target ng misyon ang mga komunidad na lubog pa rin sa tubig at nangangailangan ng agarang suporta.