-- Advertisements --

Handa umano si dating Antonio Trillanes IV na maghain ng ethics complaint laban kay Sen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa kung hindi pa niya gagampanan ang kaniyang tungkulin sa pagsisimula ng susunod na sesyon ng Kongreso.

Ayon kay Trillanes, ihahain niya ang kaniyang reklamo kung hindi dadalo ang senador sa mga sesyon ng Senado, pagkatapos na ng adjournment ng mataas na kapulungan sa unang regular session nito sa Hunyo.

Ibig sabihin, kung babalik muli ang sesyon sa susunod na buwan ng Hulyo, at di pa magpapakita ang dating Philippine National Police chief, dito na opisyal na isasampa ang kaso.

Nanindigan ang dating mambabatas na ang regular attendance ay isang pangunahing responsibilidad ng isang nahalal na senador at ang tuloy-tuloy nitong pagliban ay isang malinaw na paglabag.

Kung hindi aniya nagawa ng isang senador ang kaniyang tungkulin na dumalo sa mga sesyon, isa itong malinaw na ‘dereliction of duty’ na maaaring maging basehan para sa ihahaing ethics complaint.

Nagsimulang lumiban si Dela Rosa noong ikalawang lingo ng Nobiyembre matapos ang Undas break ng Senado.

Bago nito ay makikita pa ang dating 4-star general na tumutulong sa mga biktima ng malakas na pagyanig sa probinsiya ng Cebu.