-- Advertisements --
Itinanggi ni dating Senador Antonio Trillanes IV na binisita niya si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa piitan ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.
Kasunod ito sa alegasyon ni Davao City Representatives Paolo Duterte na inatasan umano ng gobyerno si Trillanes para magkaroon ng “welfare check” sa dating pangulo.
Nagbunsod ang pahayag ni Rep. Duterte matapos na ibahagi ni Trillanes sa kaniyang social medi ang larawan habang ito ay nasa labas ng ICC detention.
Magugunitang kinontra ng pamilya Duterte ang ginawang pagbisita ng embahada ng Pilipinas sa dating pangulo para sa “welfare check” kung saan hindi umano nila ito ipinaalam sa kanila.