CENTRAL MINDANAO-Patay on the spot ang isang tricycle driver sa pamamaril sa syudad ng Kidapawan.

Nakilala ang biktima na si Joel Pesquera,44 anyos,may asawa at residente ng Purok Guava Brgy Poblacion Kidapawan City.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Joyce Birrey ang Hepe ng Kidapawan City PNP na habang sakay ang biktima sa kanyang minamanehong traysikel sa Sinsuat Street Brgy Poblacion Kidapawan City pauwi na sana sa kanyang tahanan ng bigla itong dikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek sa hindi matiyak na direksyon.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang biktima kaya agad itong binawian ng buhay.

Bago pinatay si Pesquera ay may kinahaharap na itong kasong panggagahasa.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pamamaril patay sa biktima.