-- Advertisements --
GALVEZ MON LOPEZ SALONS PROTOCOLS
NTF Chief Implementer Sec. Carlito Galvez and DTI Secretary Ramon Lopez

Naka-isolate na ngayon si Department of Trade and Industry (DTI) Ramon Lopez matapos muling magpositibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinabi ni Lopez na nakuha niya ang test results ngayong umaga habang naghahanda itong pumunta sa Tacloban.

Kasama kasi si Lopez ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamahagi ng livelihood kits sa mga dating rebelde.

Sinabi ni Lopez na siya ay asymptomatic at nang malaman ang resulta ng covid test ay agad siyang nag-isolate.

Ito na ang ikalawang beses na tinamaan ng covid ang DTI chief.

Disyembre noong nakaraang taon nang nadapuan din siya ng nakamamatay na virus matapos ma-expose sa isang covid positive.

Siya noon ang ika-apat na cabinet official na dinapuan ng nakamamatay na sakit.

Kung maalala tatlong araw lang ang nakaraan nang tamaan din ng virus si presidential spokesman Harry Roque.

Maliban kay Lopez at Roque, nagpositibo na rin sa virus sina Public Works Secretary Mark Villar, Education Secretary Leonor Briones at Interior Secretary Eduardo Ano.