-- Advertisements --

Pansamantalang sinuspinde ang trabaho sa Presidential Communications Operations Office (PCOO) matapos magpositibo ang isa sa mga empleyado nito sa COVID-19.

Ito ang kinumpirma ni PCOO Undersecretary Marvin Gatpayat.

Suspendido ang trabaho simula ngayong araw, June 21 at balik ang trabaho sa July 27, araw ng Lunes, mismong araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinapayuhan naman ang mga empleyado na mag work-from-home muna.

Napag-alamang isang babaeng empleyado ang nagpositibo sa COVID-19 at huling pumasok sa tanggapan ng PCOO sa New Executive Building (NEB) sa MalacaƱang noong July 10.

Nagsasagawa na ng disinfection sa tanggapan mg PCOO.