Nagpakita nang big game si Karl-Anthony Towns upang bitbitin ang Minnesota Timberwolves at  idiskaril ang pagbabalik ni Paul George sa Oklahoma City lineup, 131-120.

Ang star center na si Towns ay nagpakita ng 41 points at 14 rebounds.

Sa third quarter lamang ay nagbuslo na ng 16 si Towns para lalong pahirapan ang Thunder mula pa sa  14-point lead sa halftime.

Ang pagbabalik ni George ay makalipas ang tatlong games na hindi naglaro dahil sa tinamong right shoulder injury.

Bagamat nagtapos ito sa 25 points kinailangan niya ang 8-of-25 sa field, at ang pahirapan na 4-for-14 sa 3-point area.

Nasayang din ang ginawa ni Thunder guard Russell Westbrook na 38 points para sa kanilang 39-25 record ngayong season.

Umabanse naman ang Wolves sa 30-34 kung saan nagpakitang gilas din sina Derrick Rose ng 19 points at si Andrew Wiggins ay nagpakawala ng 18.

Samantala ang next game ng Thunder ay kontra Portland sa Biyernes.

Bibisitahin naman ng Timberwolves ang Detroit Pistons sa Huwebes.