-- Advertisements --
79190341 2917577828274552 181003446705455104 o

Inamin ngayon ng Philippine Travel Agencies Association (PTAA) na pumapalo na sa P42 billion ang naitalang kalugihan sa tourism sector dahil sa pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay PTAA president Ritchie Tuaño sa exclusive interview ng Bombo Radyo, hindi lamang inbound travelers ang bumaba, kundi maging ang mga palabas ng ating bansa.

Sa ban pa lang sa China, na isa sa pinaka malaking pinanggagalingan ng ating mga turista ay agad nang bumulusok ang industriya.

Nasundan pa ito ng Hong Kong at South Korea na lalo pang nagpalala sa sitwasyon.

“Sa estimate natin nasa P42 billion na ang lugi dahil pa lang sa China, Macau at Hong Kong ban. Madadagdagan pa ito dahil ngayon kasama na rin ang South Korea,” wika ni Tuaño.

Bagama’t pinipilit umano nilang makahanap ng mga alternatibong hakbang, ramdam pa rin ang impact nito sa turismo ng ating bansa.