-- Advertisements --

NAGA CITY- Naalarma ngayon ang mismong Alkalde sa bayan ng Baao Camarines Sur matapos ang magkakasunod na pagpapakamatay ng apat katao kabilang na ang tatlong mga senior high school students.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Baao Mayor Jeff Besinio, sinabi nito na nangyare ang magkakasunod na insidente sa Barangay Agdangan, sa naturang bayan.

Ayon kay Besinio, 10 umano itong magkakaibigan kung saan tatlo sa mga ito ay una ng nagpakamatay.

Kaugnay nito, mahigpit nang pinababantayan ng alklade ang pito pang kabataan na kasama ng mga una ng nagpakamatay sa pangambang sumunod rin ang mga ito.

Bagamat sinasabing dahil sa lovelife at module ang dahilan ng mga biktima patuloy parin na iniimbestigahan at tinitingnan ang iba pang posibleng anggulo sa nasabing pangyayare.

Samantala, dahil sa naturang insidente isinailalim narin sa counseling ang naturang magkakaibigan kasabay narin ang pagkikipagusap sa mga magulang ng mga ito.

Ayon kay Mayor Besinio, ipinatawag na ang mga ito para sa mental health program na binuo mismo ng lokal na gobyerno upang mabigyang pansin ang mga estudyanteng nasa kaparehas na sitwasyon.

Samantala maliban dito, naiulat rin ang isang 38-anyos na lalaki na nagsaksak ng kanyang sarili matapos makipaghiwalay ang kanyang kasintahan na mula pa rin sa naturang bayan.

Habang noong nakaraang linggo lamang umano nang isa pang menor de edad ang nagtangka ring magpakamatay ngunit maswerte na naagapan ito dahil naputol ang lubid na ginamit nitong sa kanyang plano.