Tuloy na ang total deployment ban sa Kuwait kasunod ng pagkamatay ng Pinay na si Jeanelyn Villavende na residente ng Norala, South Cotabato sa kamay na malupit nitong amo.

Kasunod ito ng pag-abruba ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Governing baord ang naging rekomendsasyon ni Labor Sec. Silvestre Bello III na implementasyon ng total deployment ban sa bansang Kuwait.

Ito ang kinumpirma ng Department of Labor and Employmeny (DOLE) ngayong araw lamang.

Sa maiksing abiso ng DOLE, sinabi nito na hinihintay nalang nila ang pagpapalabas ng mismong kopya ng resolusyon ng Government board ng POEA para sa total deployment ban.

Kahapon nang ilabas ng National Bureau of Investigation (NBI) ang resulta ng otopsiya sa bangkay ng Pinay.

Lumabas na minaltrato ito ng kanyang amo at ginahasa pa habang nawawal rin ang iba nitong internal organs.