Ibinahagi ng actor na si Tom Rodriguez ang paggaling nito mula sa COVID-19.

Sinabi nito na pinili niyang hindi maging aktibo sa social media sa kasagsagan ng kaniyang pagpapagaling.

Umaabot sa apat na linggo itong naka-quarantine hanggang ito ay tuluyang gumaling.

Nakuha niya ang virus sa isang shooting ng pelikula.

Nagnegatibo ito ng sumailalim sa antigen swab test subalit hiniling ng kaniyang fiancee na si Carla Abellana na sumailalim pa ito ng PCR test bago umuwi.

Matapos na sundin ang actress ay nagpositibo kaya laking pasalamat niya at hindi niya ito hinawaan.

Nagpasalamat din ito dahil wala siyang trangkaso at anumang sintomas.