Ibinahagi ng actor na si Tom Rodriguez ang masayang yugto ng kanyang buhay matapos niyang ipakilala sa publiko ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng mga family portraits kasama ang kanyang partner at anak nilang si Korben.
Sa isang panayam Nobyembre 2024, kinumpirma ni Tom na isa na siyang ama. Ayon sa aktor, ang kanyang pamilya ang nagsisilbing “sanctuary” at “kapayapaan” niya.
“Some treasures in life are too sacred to put on full display… This family of mine is my sanctuary… My peace,” ani Tom sa isang caption.
Dagdag pa niya, sa likod ng mundo ng showbiz, ang pamilya niya ang kanyang pinanghahawakan at nagbibigay sa kanya ng tunay na pagkakakilanlan.
Maraming tagahanga at netizens ang nagpakita ng suporta at tuwa para kay Tom, na ngayo’y tila natagpuan na ang kapayapaan sa kanyang personal na buhay.