-- Advertisements --
Ibinahagi ng aktres na si Carla Abellana na ito ay engaged na sa misteryosong nobyo.
Sa kaniyang social media account ay nagpost ang aktres ng larawan habang nakasuot ng tila isang engagment ring habang nakahawak ang kamay ng isang lalaki.
Hindi naman na ipinakita ng aktres ang pagkakakilanlan ng nobyo sa kaniyang post.
Bumuhos naman ang pagbati mula sa mga kapwa artista ng aktres matapos na makita ang post nito.
Magugunitang noong Agosto ay ibunyag ng aktres na ito ay nasa isang relasyon pero hindi ipinakilala ang nobyo pa sa publiko.















