-- Advertisements --

Ikinasal na ang ang aktres na si Carla Abellana sa kanyang non-showbiz fiancé na si Dr. Reginald Santos sa isang intimate ceremony nitong Sabado, Disyembre 27.

Lumulutang ang ganda ni Carla sa kanyang puting gown habang ikinasal.

Bago ang kasal, ibinahagi pa ni Carla ang mga larawan mula sa kanyang bridal shower na ginanap sa isang dermatology clinic sa Parañaque.

Kamakailan lang ay kinumpirma ni Carla ang kanyang engagement matapos mag-post ng larawan ng kanyang kamay na may singsing. Noong Oktubre, nilinaw niya ang mga usap-usapan tungkol sa kanyang kasal at sinabi, “I would like to keep it private.”

Maraming tagahanga ng aktres ang nagpadala ng kanilang mga pagbati sa bagong yugto ng kanyang buhay.