-- Advertisements --
Nanatiling wala pa ring talo ang TNT Tropang GIGA sa 2021 PBA Philippine Cup ito ay matapos na talunin ang Magnolia Hotshots 83-76.
Bumida sa panalo ng TNT si Kelly Williams na nagtala ng 13 points, 15 rebounds na mayroong tatlong blocks at dalawang steals sa laro na ginanap sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.
Ito rin ang unang pagkakataon na magtala ng 6-0 sa simula ng TNT sa pamumuno ng kanilang coach na si Chot Reyes.
Sinabi nito na tinapatan lamang nila ang mga laro ng kanilang mga nakalaban.
Sa huling bahagi na ng second quarter ng makontrol ng TNT ang laro.
Mayroon namang limang panalo at dalawang talo ang Magnolia kung saan parehas sila ng Meralco Bolts na nasa pangalawang puwesto.