TNT 2
-- Advertisements --

Isang panalo na lamang ang kailangan ng TNT Tropang Giga para makuha ang kampeonato sa 2021 PBA Philippine Cup.

Ito ay matapos tambakan ang Magnolia Hotshots 106-89 at nakuha ang 3-1 bentahe sa laro na ginanap sa DHSVSU Gym sa Bacolor, Pampanga.

Mula sa unang quarter ay hindi na hinayaan ng TNT na malamang pa sila ng Magnolia.

Kahit na mayroong naramdamang injury ay hindi nagpapigil ang TNT forward na si Troy Rosario.

Bumida sa panalo sa panalo ng TNT si Calvin Abueva na mayroong 28 points, anim na rebounds at dalawang steals.

-- Advertisement --