Bukas si dating Senator at ngayo’y Senatorial race candidate Vicente “Tito” Sotto III sa posibilidad ng pagbabalik bilang Senate President (SP).
Maalalang naging SP si Senator-elect Sotto mula May 2018 hanggang June 2022 sa ilalim ng 18th Congress.
Sa isang panayam, natanong si Sotto ukol sa posibilidad ng muling pagiging lider ng Senado; sagot ni Sotto, na kung may sapat na suporta siyang makukuha mula sa mga kasamahang kandidato, tatanggapin niyang muli ang naturang posisyon.
Maalalang sa pagsisilbi ni Sotto bilang SP, naipasa ang Universal Health Care Act at ang Anti-Terrorism Law.
Sa kasalukuyan ay nagsisilbi bilang SP si Sen. Chiz Ezcudero.
Para maging isang Senate President, kailangan ang suporta ng hanggang 13 senator o mas higit pa. Sinusunod dito ang majority votes o kung sino ang sinusuportahan ng mas maraming miyembro ng 24-member Senate.