-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na papalitan ng COVAX facility ang mga COVID-19 vaccines na nag-expire na.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, na kabilang sa papalitan ng COVAX ay ang mga bakunang nabili ng mga pribadong sektor.

Dagdag pa nito na mayroong kasunduan noon pa ang COVAX facility at ang DOH na kanilang papalitan ang mga na-expire na mga bakuna.

Magugunitang aabot sa P5.1 bilyon ang halaga ng bakuna na binili ng mga private sector ang nag-expire na.

Maari lamang itong maisakatuparan sakaling magkaroon na ng sapat ng suplay ng bakuna.

Ang COVAX ay isang global initiative para sa pantay na distribusyon ng bakuna na pinangungunahan ng World Health Organization (WHO), Coalition for Epidemic Preparedness Innovations (CEPI), at vaccine alliance na GAVI.