-- Advertisements --

Isa lamang paghahanda sa anumang banta ng pananakop ang naging dahilan ng Taiwan sa kanilang isinagawang live-fire military exercise.

Ayon kay Lou Woei-iye ang tagapagsalita ng Eight Army Corps ng Taiwan na ilang oras lamang ang itinagal ng kanilang live-fire drill.

Ito ay matagal ng naka-schedule at hindi kasagutan sa isinagawa ng China na military drill bilang protesta sa pagbisita ni US House Speaker Nancy Pelosi.

Sa araw naman ng Huwebes ay magpapakalat sila ng ilang daang sundalo at 40 na mga Howitzers helicopter bilang bahagi rin ng nasabing drill.

Magugunitang pinalawig pa ng China ang ginagawa nilang military drill sa bahagi ng Taiwan na ikinabahal na rin ng US.