-- Advertisements --

Arestado ang isang tindero na magpanggap na sundalo ng mahuli ito sa liquor ban sa isang checkpoint sa Payatas Road, Quezon City.

Sinabi Batasan Police Chief Lt. Col. Romulus Gadaoni, lulan ng kaniyang pick-up truck ang suspek at walang maipakitang travel permit ito.

Ipinagmalaki pa ng 31-anyos na suspek na isa siyang personnel ng Armed Forces of the Philippines o AFP.

Nakuha sa suspek ang isang 9mm na baril at may mga bala at mga bote ng alak.