Ramdam na rin ng NBA team na Minnesota Timberwolves at ng Minnesota Lynx ang epekto ng krisis sa coronavirus.

Dahil dito nagdesisyon ang management na magbawas na rin nang sweldo at maging sa staff.

Ang dalawang koponan ay pagmamay-ari ng ni Glen Taylor.

Ayon sa organization pansamantala silang magbabawas ng salaries sa mga employees na kumikita ng $70,000 o mahigit pa kada taon.

Gayundin magtatanggal sila ng hindi pa mabilang na bahagi ng kanilang full-time workforce.

Una nang nakansela ang NBA games nang pumutok ang virus outbreak noong March 11.

Habang ang WNBA ay hindi pa rin nagsisimula ang 2020 season.