woods
Tiger Woods/ FB image

Sugatan si US golf legend Tiger Woods matapos na ito ay maaksidente.

Ayon sa mga kapulisan ng Los Angeles, minamaneho ni Woods ang kaniyang kotse ng ito ay nagpagulong-gulong sa border ng Rolling Hills Estates at Rancho Palos Verdes.

Agad na dinala sa pagamutan ang golf star matapos na magtamo ng maraming sugat sa katawan.

Iniimbestigahan pang mabuti ng mga otoridad ang sanhi ng pagkakaaksidente ng 45-anyos na si Eldrick “Tiger” Woods.

Nasa lugar ito para dumalo sa taunang Genesis Invitational golf tournament sa Riviera Country Club sa Pacific Palisades.