ScotiabankArena
ScotiaBank Arena

Nagkakaubusan ang tickets sa first game ng Toronto Raptors at Golden State Warriors sa NBA Finals na gaganapin sa Scotiabank Arena sa araw ng Biyernes.

Ayon sa ilang mga ticket sellers sa Toronto na ang pinakamababang presyo ng ticket ay aabot sa 600 Canadian dollar o halos P24,000 ay domoble o 10 beses pa ito na mas mataas.

Mula nang ianunsiyo na maaari ng makabili ng tickets ay marami na ang kaagad nakabili dahil ito ang kauna-unahang finals appearance ng koponan.

Kinansela na rin ng bandang Twenty One Pilots ang kanilang show sa Scotiabanks Arena para magbigay daan sa paghahanda sa NBA Finals.

Nagbukas ang Scotiabank Arena noong Pebrero 19, 1999 na matatagpuan sa Toronto na mayroong kabuuang 19,800 na seating capacity.