Sinimulan na ng Los Angeles Lakers ang pagbebenta ng tickets para sa pagbibigay pugay kay Kobe Bryant at anak nitong si Gianna na gaganapin sa Pebrero 24.

Para makabili aniya ng tickets ay nararapat na magregister online at makakatanggap lamang ng notifications ang mga mapipili na manonood sa nasabing Celebration of Life ng mag-amang Bryant.

Nagkakahalaga ang pinakamahal na ticket ng 2 piraso sa $224 habang ang pinakamura ay $2.24.

Ang nasabing numero ay mahalaga dahl ang number 2 ay jersey number ni Gianna sa kaniyang Highschool basketball habang ang 24 ay jersey number ng Los Angeles Lakers star.

Mapupunta ang nasabing halaga sa charity foundation ng NBA star.