Team Thurman
Thurman/ IG post

Hinamon ni US boxer Keith Thurman si UFC star Conor McGregor na magharap sila boxing ring.

Ayon pa kay Thurman na tiyak na mas maraming kikitain si Conor sa boxing kaya dapat niyang tanggapin ang hamon.

Inamin ng WBA super welterweight champ na pinanood niya ang laban ni McGregor kay boxing champion Floyd Mayweather Jr noong 2017 at marami itong nakitang pagkakamali sa Irish fighter.

Nauna rito nagpahiwatig ng kagustuhan si Conor na makaharap si Thurman matapos na lumabo ang rematch nito kay Mayweather.