Binitbit ni Russell Westbrook ang Oklahoma City Thunder para makaisa rin ng panalo laban sa Portland Trail Blazers, 120-108.

Umiskor ang dating NBA MVP ng 33 points at 11 assists upang tapyasan ang kanilang deficit sa serye, 2-1.

Pinuri naman ni Paul George na may 22 points ang pangunguna ni Westbrook sa kanilang koponan.

Tumulong din sa Thunder sina Jerami Grant na nagtapos sa 18 at si Dennis Schroder na nagbuslo ng 17.

Sa kampo ng Blazers kumamada ng 32 points si Damian Lillard kung saan ang 25 ay kanyang naipasok sa third quarter.

Gayunman pagsapit ng fourth doon na siya inalat nang umabot lamang sa apat na puntos ang kanyang nagawa.

Samantala sa Lunes tatangkain muli ng Thunder na magwagi sa kanilang teritoryo upang itabla ang serye sa first round ng Western Conference playoffs.