-- Advertisements --

Tiniyak ng Office of the Ombudsman na kanilang hindi isasantabi ang mga naunang testimonya o pahayag ng mga Discaya patungkol sa flood control projects anomaly.

Ayon mismo kay Assistant Ombudsman Mico F. Clavano, maaring gamitin pa rin ang mga ito sa nagpapatuloy na imbestigaasyon ukol sa kontrobersiya.

Ito’y kahit pa itinuturing na ngayon bilang ‘hostile witnesses’ ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya sa kanilang paghinto ng kooperasyon at pakikipagtulungan sa pamahalaan.

Paliwanag ni Ombudsman Spokesperson Mico Clavano na ito’y posible sapagkat pinanumpaan naman nila ang kanilang salaysay of affidavit na dala sa naganap na pagdinig ng Senado.

Subalit ibinahagi ng naturang opisyal na wala pa umanong ibinabahaging ‘sworn affidavit’ ang Discaya couple kahit pa mailang ulit na bumisita sa Department of Justice.

Ngunit ayon kay Assistant Ombudsman Clavano, nakukulangan umano sila sa nilalaman ng ‘affidavit’ ng mga Discaya patungkol sa kanilang mga nalalaman.

Habang naniniwala naman ang naturang opisyal na ang gawing di’ paglalahad ng buong nalalaman ay stratehiya umano ng kampo ng mga Discaya.

Giit niya’y puro baggit lamang sila ng mga pangalan ngunit bigo namang magpresenta ng anumang ebidensiya para mapatunayan ang kanilang mga sinasabi.

Alinsunod rito’y pahayag ni Assistant Ombudsman Clavano na tingnan na lamang raw kung di’ pa makipagtulungan ang mga Discaya sa oras na gumulong na ang kaso.

Kumbaga’y di’ pa rin lusot ang mga ito sapagkat aniya’y hahabulin ng Ombudsman ang mag-asawa upang panagutin kasama pati mga sangkot sa flood control projects anomaly.