Dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang pinuno ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na si Isidro Lapeña.

Sa isang pahayag, sinabi ni Lapeña na natanggap nito ang resulta ng kanyang PCR test nitong Sabado.

“I had my PCR test taken yesterday (Friday) as a requirement for my flight to Mindanao tomorrow (Sunday),” saad ni Lapeña.

“The result I received today stated that I am positive of COVID-19.”

Bagama’t wala aniya siyang nararamdamang anumang sintomas, sumailalim na raw ito sa isolation.

“Those who came in close contact with me are advised to also go on isolation in accordance with health protocol,” anang opisyal.

Nitong araw din ng Sabado nang inanunsyo ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na nagpositibo ito sa COVID-19.

“I am sorry to inform [you] that I tested positive for covid19 yesterday. To all who made contact with me pls do the approp[riate] protocols,” saad ni Dela Rosa sa isang pahayag.