Inanunsyo ni Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General Isidro Lapeña na nagnegatibo na ito sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Lapeña, sumailalim agad ito sa isolation mula nang lumabas na nagpositibo ito sa COVID-19 noong weekend.

Dalawang beses din aniya siyang sumailalim sa test, na kapwa naglabas ng negatibong resulta.

Sa ngayon, bagama’t nananatili itong asymptomatic, tuloy pa rin daw ang kanyang quarantine.

Samantala, hindi naman naniniwala si Lapeña na nakuha niya ang sakit sa Senado, kung saan ito nagtungo noong nakalipas na linggo.