Mark Steven Domingo (FBI photo)
US veteran of war in Afghanistan Mark Steven Domingo, 26 (FBI photo)

LOS ANGELES – Napigil ngayon ang isang domestic terror plot na target ang maraming lugar sa Southern California.

Ito ay matapos maaresto si Mark Steven Domingo, 26, na dating Army infantryman na nagsilbi sa Afghanistan at nagpa-convert sa Islam.

Lumutang din ang isyu na may dugo itong Pinoy o isang Filipino America.

Si Domingo ay inaresto ng federal agents habang isinasapinal daw nito ang planong pagtatanim ng bomba sa isang white nationalist rally sa Long Beach.

Nais lang daw ni Domingo na gumanti sa pag-atake sa mosque sa New Zealand na ikinamatay ng 50 katao.

Inaresto ang suspek dahil na rin sa pagsuporta umano sa mga teroristang grupo at ang plano nito noon pang Marso na pag-manufacture at paggamit ng “weapon of mass destruction” para maisakatuparan ang planong mass murder.

“On April 23 and 24, 2019, Domingo purchased several hundred nails to be used as shrapnel inside an explosive device, and provided the nails to a person whom Domingo believed to be a collaborator, but who was in fact an undercover law enforcement officer working for the FBI, for the purpose of having the (officer) manufacture weapons of mass destruction for Domingo to use in an upcoming attack,” ayon sa documents.