-- Advertisements --

Tinalo ng Terrafirma ang Barangay Ginebra 95-90 sa nagpapatuloy na 2021 PBA Philippine Cup.

Maituturing ng koponan ang panalo bilang kasaysayan sa kanilang franchise history sa laro na ginanap sa DHVSU Gym sa Bacolor, Pampanga.

Sa loob kasi ng siyam na taon ay ngayon lamang tinalo ng Terrafirma ang Ginebra kung saan wala silang panalo sa loob ng 16 na laro.

Bumida sa panalo si Juami Tionson na mayroong 31 points.

Ito rin ang pangalawang back-to-back win ng Terrafirma ng talunin nila ang San Miguel Beermen nitong Miyerkules 110-104.

-- Advertisement --

Huling nakakakuha ng back-to-back na panalo ang koponan ay noong 2017 Commissioner’s Cup.