Suspendido ang Italian tennis umpire dahil sa pambabastos nito sa isang teenage ball girls.

Matapos ang pagkalat ng video ng 46-anyos na si Gianluca Moscarella na hinaharass ang babae sa isang tennis game sa Florence, Italy.

Maririnig sa video na sinabi pa ng inireklamo ang salitang “Very Sexy” at iba pang mga malalaswang salita.

Napag-alaman na ang tennis girl ay 16-anyos pa lamang.

Ayon sa Association of Tennis Professional (ATP) na nagsagawa na sila ng imbestigasyon matapos na suspendihin sa torneo si Moscarella.