Posibleng babagsak sa 7.9°C ang temperatura sa Baguio City mula Enero hanggang Pebrero ng susunod na taon, batay sa pagtaya ng state weather bureau.
Sa dalawang nabanggit na buwan, tinatayang maglalaro mula 7.9 hanggang 11.8-degrees Celcius ang temperatura sa naturang lungsod.
Batay pa sa pagtaya ng ahensiya, maaaring maranasan ito sa malaking bahagi ng lungsod, kasama ang iba pang lugar sa Benguet at Cordillera highlands.
Paliwanag ng weather bureau, patuloy ang paglakas ng Northeast Monsoon o hanging amihan na posibleng magdulot ng mahalumigmig na hangin sa malaking bahagi ng CAR.
Hindi rin inaalis na magiging daan ito para sa palitaw ng frost sa maraming lugar.
Ngayong buwan ng Disyembre, tinatayang maglalaro mula 11.4°C hanggang 14.3°C ang temperatura sa tinaguriang ‘City of Pines’.














